Posts Tagged ‘ballot’

Juan, Oh Juan

I made this poem a few minutes ago, while reflecting on the scenarios which would happen to our country if a failure of election happens. I just wish it won’t happen. I rushed it, ’cause I feel sleepy, tired of all the exams I have taken and will be taking in the days which are to come. So, please be considerate. Amf, I still have 4 more exams!!! Anyways, hope you’ll like it!

Juan, oh juan
Ikaw na’y maghanda
Tayo’y mapapasabak sa paparating na halalan
Sa mga araw na paparating
Maging mapanuri
Dahil di lahat ng nakikita’y may katotohanang sinasabi

Ikaw ma’y makatanggap
Ng perang di mo dapat tanggapin
Ika’y maiintindihan kung mabuti ang iyong hangarin
Asawa, Kapatid, Anak, Magulang – kung sila man ang mga dahilan
Kapakanan din nila’y isipin sa darating na halalan

Juan, oh juan
Ikaw ma’y panghawakan ng iba
Pilitin mong umalis sa politikang mapanira
Itatak sa puso, boto mo’y mahalaga
Para sa ikagaganda nitong ating bansa

Sa huli, tayo’t tayo rin ang makapagpapasya
Sa pagbabagong ninanais nating dalawa
Pagkat sa oras na pakawalan pa natin ito
Magbibilang muli tayo ng isa, dalawa, tatlo
At maghihintay ng ilan pang pagkakataon, oh ilan pa?
Tama na, sobra na, di ka pa ba nagsasawa?

Sa darating na eleksyon,
ikaw ang magiging bida
Ikaw na ang pipili sa kinabukasan ng iyong pamilya
Ito na ang tamang pagkakataon para magpakita ng suporta
Sa bansang bagamat maisla’y nanatiling nagkakaisa

Juan, oh juan
Bumoto ka ng tama
Siguraduhing pipilii’y di babangga sa konsiyensya
Dahil sa oras na kinalaban mo ang puso mong umaasa
Hinanakit ay dadalhin, isisi sa iba

Kung dumating man ang oras na galit mo’y ibabaling sa iba,
Dahil di natupad mga pangakong iprinesenta ng kandidatong batbat la’y salita,
Laging pakatandaan, sino ang nagpaloko? Nagpadala sa mapanlilinlang na mga pangako?
Sino ang dapat na sisihin sa mga ito? Sino?

Sa mga araw na paparating
Maging mapanuri
Dahil di lahat ng nakikita’y may katotohanang sinasabi

Sa mga araw na paparating
Maging mapanuri
Dahil di lahat ng nakikita’y may katotohanang sinasabi

Juan, oh Juan
Pag-isipang mabuti
Bawat desisyo’y may katumbas na nakatali
Siguraduhing ikaw mismo, oo ikaw mismo
Ang tunay na boboto sa a-dyes ng Mayo

Advertisements